Lesson learned

1:17 PM, Wednesday

Hindi pala nagaganap sa buong magdamag ang pagiging mature ng isang tao.

Sabi nila, sa pagtanda ng isang tao ay kasabay nito ang pagbabago ng pananaw niya sa buhay. Nagbabago ang tingin niya sa buhay, malayong-malayo sa kung anong nakagisnan niya sa mundo noong bata pa siya. Marahil ang mga dating maliit na bagay na di niya gaanong binibigyan ng importansya ay maaaring maging malaking bagay na para sa kanya ngayon. Darating sa buhay niya ang iba’t ibang pagsubok at magiging daan ito para matuto sa kanyang mga naging kamalian at magsisilbi itong aral sa kanya.

Sa pagdaan ng panahon, matutunan niya kung kailan kailangang lumaban at kung kailan kailangang sumuko. Kailangang niyang matutunan na kahit gaano man kahirap pakawalan ang isang bagay, ang tanging nararapat gawin ay ang tanggapin kung ano ang nangyari dahil iyon ang mas makakabuti at makakatulong para sa kanya. Sabagay, hindi naman kailanman naging madali pakawalan ang isang taong minsang naging parte ng mundo mo, hindi ba?

Magkaiba ang takbo ng isip namin. Matured siya mag-isip, ako hindi.

Nasabi nga niya minsan na para daw siyang nakikipag-usap siya sa Grade 1. Inaaya ko kasi siyang mamasyal nun gayong wala naman silang pasok sa trabaho kinabukasan kasi holiday nga. Sinabi niyang hindi siya puwede pero patuloy pa rin ang pangungulit ko sa kanya. Paulit-ulit na lang daw kami. Daig ko pa raw bata sa kakulitan. Kinabukasan, hindi niya ako kinausap buong araw. Siguro napikon sa akin yun. Kung hindi ko pa nga siya tinawagan kinagabihan, hindi talaga niya ako kakausapin, Hindi ko raw siya naiintindihan. Hindi naman namin kailangan palagiang magkita. Hanggang sa mabanggit niya kung bakit hindi ko daw subukan maghanap ng tipong ka-edad ko kasi napapansin daw niya na nahihirapan ako sa setup namin. Hindi kaagad ako nakasagot sa tinuran niyang iyon. Pinapalayo na ba niya ako?

Nung minsan tinanong ko siya ulit kung talagang bata pa rin ba ang tingin niya sa akin, tawa ang sinagot niya sabay tanong sa akin kung naaalala ko pa daw ba yung tinext ko sa kanya nung isang araw.

Eto yung text ko: “Still up? I just finished playing computer games. Talaga bang bata pa ang tingin mo sa akin?”

Kahit ako natawa na lang din nung naalala ko yung tinext ko sa kanya. Mga bata at isip-bata lang daw ang naglalaro ng mga ganun, aniya. Kaya daw lagi ako napupuyat kasi laro daw ako nang laro ng computer games. Ang mga katulad daw niya ay hindi na naglalaro ng mga ganun. Ganun ba yun? Parang hindi naman. Isip-isip ko.

Pilit ko siyang inaabot. Sinasabi ko na kailangan kong i-set yung isip ko na pwedeng umangkop sa mindset ng isang taong nasa 30’s na para kahit papaano mag-click kami sa bawat isa. Pero hindi ko alam kung paano nga ba mag-isip ang isang tao nasa 30’s na? Naghahanap ako ng mga sagot para mapatunayan ko sa sarili ko na kahit papaano, “worth it” ako sa oras at panahon niya na ibinibigay niya sa akin. Nung minsang nagkaroon ng pagkakataon na makausap ko tungkol dito, inamin ko sa kanya na pakiramdam ko, kahit ano gawin ko panay sakit lang ng ulo ang binibigay ko sa kanya. Sinusubukan ko namang gawin ang lahat pero parang hindi pa rin sapat, hindi ko pa rin siya maabot.

Sa pag-alis niya, napagtanto ko na ang dami ko palang pagkakamali. Siyang tunay nga ang kasabihan na nasa huli palagi ang pagsisisi. Lumampas ako sa aking limitasyon. Nakalimutan ko kung hanggang saan lang dapat ako. Marahil kaya sobra akong nasasaktan ngayon kasi umasa ako. Hindi nangyari ang mga bagay tulad ng sa kung ano ang inaasahan ko. Hindi ko na-kontrol ang emosyon ko at hinayaan ko ang sarili ko na madala nito. Nakalimutan ko gamitin ang isip at ayun, naapak-apakan ko pa nga yata iyon nung mga panahon na yun. Iniisip ko kung ano ang gusto ko isipin, pinaniniwalaan ko ang gusto kong paniwalaan. Bakit ba kasi kapag sobra kang tinamaan sa isang tao, nakakalimutan mo na minsan kung ano ang dapat sa hindi dapat.

Hindi na rin siguro nabigyan ng pagkakataon na mag-grow ang kung ano mang nararamdaman niya para sakin dahil na rin sa mga pabigla-bigla kong desisyon. Isip-bata ang pinapairal sa halos lahat ng bagay. Naisip niya na marahil, parehas lang kami mahihirapan kapag ipagpatuloy pa namin iyon. Mas mainam na siguro na makuntento na lang ako sa kung ano meron sa amin, kung ano kami dati.

Constantly

12:16 PM, Monday

Because a song can take you back instantly to a moment, to a place, or even a person. No matter what else has changed in you or the world, that one song stays the same, just like that moment.

– Sarah Dessen

Gotten in too deep

6:49 PM, Monday

You only stay with me in the morning
You only hold me when I sleep
I was meant to tread the water
But now I’ve gotten in too deep

For every piece of me that wants you
Another piece backs away

You give me something
That makes me scared alright
This could be nothing
But I’m willing to give it a try
Please give me something
Because someday I might know my heart