6:33 PM, Monday
Yehey! Sa wakas, makakarating na rin ako sa Baguio! š š š Bata pa lang ako, gustung-gusto ko na makapunta sa Baguio. Gusto ko maranasan kung gaano ba kalamig dun. Gusto ko rin makita yung sinasabi nilang malaking ulo ng leon pati na rin dumaan sa sinasabi nilang Kennon Road. Gusto ko rin makapunta dun sa Mines View at sa lahat ng pwedeng mapuntahan doon. Panay kinig na lang ako kasi sa mga kwento nila. Sana ako din makapunta dun. At ayun nga, narinig ni Bro yung dasal ko. Biglaang nagyaya yung pinsan ko na punta daw kami Baguio ngayong Holy Week. Lahat kasama!Ā Ang saya! Eto na nga talaga ‘to! š
…
Pagkagaling ng swimming sa Pansol ayĀ nagbababa lang kami saglit ng mga dalahin atĀ dumiretso na rin kami kaagad sa Baguio. Ice lang kahit pagod ako. Wala akong pakialam kahit tatlong oras lang tulog ko. Minsan lang ‘to! Excited na talaga ako. Ang paborito ko pang pinsan ang magdadrive para sa amin. Ayos na ayos! š Pagkatapos ng mahigit kumulang isa’t kalahating oras sa North Expressway, sa wakas TPLex na. Hindi ko alam, mas mahaba pala to. Babagtasin nito ang probinsya ng Tarlac, La Union at Pangasinan.
Ā
Wala kaming ginawa buong biyahe kundi magbiruan at magtawanan lang. Masaya talaga kapag game at kwela yung mga kasama mo sa sasakyan eh, hindi ka maaantok. Sasakit lang ang panga mo sa kakatawa. Panay bato ng jokes ang isang kasama namin hanggang sa nauwi sa bugtungan. Yup, bugtungan nga. Mabuti na lang at may naalala pa akong iilan mula sa mga Filipino class ko dati. Hanggang sa nauwi na sa mga green jokes. Nakakatawa yung transition ng usapan namin eh. Anlalayo eh. Hindi ma-connect sa naunang pinag-usapan. Hahaha. š
Tinanong ko ang pinsan ko kung saan ang Marcos Highway. Aniya, may tatlong major access road papuntang Baguio.Ā Kennon Road, Marcos Highway at Naguillan Road. Mas madaling makarating sa Baguio kapag dadaan ka sa Kennon Road kumpara sa dalawang daanan na parehong nasa La Union. Kung mapapansin ko daw ay halos puro maliliit na sasakyan lang ang nakakasabayan namin sa daanang ito dahil halos lahat pala ng mga bus galing Maynila ay sa Marcos Highway dumadaan. Ang Kennon Road ay may kabuuang haba na 41. 2 kilometro na may taas na 5,500 talampakan. May walong settlement sa Kennon Road na mas kilala ngayon bilang Camp 1 – 8. Ayon sa nabasa ko, orihinal na tinayo daw ang mga kampong iyon para sa mga gumagawa ng daanan na hindi kalaunan ay tinirhan na rin ng mga lokal na residente ng Benguet Province. Salamat sa Wikipedia! š
Maswerte daw kami at maganda ang panahon nang bumiyahe kami paakyat ng Baguio. Kapag masama ang panahon, kadalasan palang sinasara ang Kennon Road dahil na rin sa banta ng mga landslide. Para daw sa isang experienced na nagmamaneho talaga, kakayanin sa loob lang ng 45 minuto hanggang isang oras para mabagtas ang kabuuan ng Kennon Road.
Ang pamosong Lion’s Head. Matatagpuan ito sa Camp 6 ng Kennon Road. May taas ito na 40 talampakan. Itinayo ito upang maging tatak o simbolo ng grupo ng Lions Club para sa nasabing lugar sa panahon ng pamumuno ni Luis Lardizabal bilang mayor ng lungsod ng Maynila noong 1969 – 1970 at bilang pinuno na rin ng nabanggit na grupo.
Sinasabing ang pinakamatarik na bahagi ng Kennon Road ay sa pagitan ng Camp 6 at Camp 7. Ito ang sinasabing “Zigzag Road” dahil na rin sa dami ng switchbacks o hairpin turn. Hairpin turn ang tawag sa isang paliko sa kalsada na may matarik na anggulo na kung saan kinakailangan ng isang sasakyan na pumihit ng 180 degrees para makapagpatuloy saĀ pagdaan.
Sa wakas, pagkatapos ng mahigit anim na oras naming paglalakbay galingĀ Maynila, nakarating na rin kami sa tinaguriang “Summer Capital of the Philippines”!
Maligayang pagdating sa Baguio City! š
Ito pala ang transient house na tinuluyan namin ng tatlong araw. May malaking sala sa baba at tatlong kwarto sa itaas. May tig-isang banyo para sa bawat palapag. Pwede na para sa aming lahat. Hindi pala uso electric fan dito. Pwedeng buksan ang malalaking bintana kapag matutulog para makadaloy ang malamig na hangin ngunit kailangang mag-ingat dahil walang railing ang mga bintana. Hindi advisable na iwanang mag-isa ang mga bata sa isang kwarto sa itaas dahil maaaring silang mahulog at madisgrasya. Sana maisipan ng may-ari ng bahay na gawing child-friendly ang mga kwarto. Malawak ang garahe na kayang magpark ng dalawang kotse.
Bukas na lang kami mamasyal. Ā Halos napagod lahat sa biyahe eh. Pahinga muna.
…
Day 2
Maagang nagising ang lahat para maghanda sa aming pamamasyal.
Hindi na sila makapaghintay sa sobrang excitement. š
Ngunit bago namin simulanĀ ang pamamasyal, kailangan munang mananghalian. Sa biyahe palang papuntang Baguio, kinukuwento na ng pinsan ko na may kinakainan sila sa tuwing bumibisita sila ng Baguio kung saan sadyang napakasarap ng bulalo. Minda’s Eatery pala ang tinutukoy niya. Mas kilala ito daw bilangĀ slaughter house. Ito ay matatagpuan sa Brgy. Sto. Nino, Benguet, malapit sa isang istasyon ng bus. Kung titignan mo, isa itong tipikal na karinderya ngunit nakilala sila dahil sa kanilang special bulalo soup. Maliban sa bulalo, masarap din ang inihahain nilang crispy pata na dinuguan ang sawsawan at sisig. Mabait din ang may-ari pati na rin ang kanyang mga serbedor. Talagang patok na patok ito para sa mga turista dahil ang daming kumakain dito. Nirerekomenda ko sa inyoĀ ang kainang ito at pangako, hinding-hindi kayo magsisisi. Swak na swak sa budget ang presyo at talagang sulit ang inyong pera.Ā Paniguradong kakain ulit ako dito pagbalik ko. š
Mukhang nabusog na ang lahat, tara pasyal na.
…
First stop. Strawberry Farm, La Trinidad, Benguet.
Makulimlim ang panahon pagdating namin sa Strawberry Farm. Bubungad sayo ang napakaraming tindahan na pwedeng mong pagpilian. Dahil binigyan ako ng pocket money nina Tita, diretso agad ako sa pamimili. Ang daming pwedeng bilhin. Meron silang binebenta na assorted pasalubong na 7 for P100. May strawberry jam rin na 3 for P100. Bumili ako ng chocolate crinckles na nakuha ko ng 3 for P100. Hindi na masama. Chineck ko muna kung in-stack ba yung loob para makasigurado. Kahit di ako fan ng peanut brittle, bumili na rin ako ng isa na nakuha ko naman sa presyong P80. Naghabilin nga pala si Mama na bilhan ko siya ng ube jam. Binabarat ko yung mamang tindero na ibigay na lang sakin ng P180 kesa P200 kaso ayaw talaga. Hindi pa ako expert sa haggling.
Paalala: Maraming modus ang naglipana partikular sa mga nagbebenta ng strawberries. Huwag kayo papadala sa mga panloloko na sa unang tingin ay aakalain mong sariwa lahat ng binibili mong strawberries ngunit hindi mo alam ay bulok o sira na pala ang iilan sa ilalim nito. Dapat ay sa harapan mo mismo ibabalot ng nagtitinda ang mga nabili mo dahil kung nalingat ka ay minsan pinapalitan nila ito ng mas luma o di kaya ay bulok na. Muntik na ako mabiktima nito. Sa bwisit ko ay nilayasan ko ang tindera nang walang pasabi.Ā Huwag rin bumili ng anumang strawberries na pinagpatong-patong sa isang lalagyanan dahil mapipisat lang ito kaagad. Dapat ay maayos silang nakasalansan at siguraduhing wala anumang itim o butas sa mismong naturang prutas.
Matapos makapamili ng pasalubong ay naisip ko bumili ng t-shirt. Naghahanap ako ng mura pero magandang klase. May nakita ako sa halagang P120 pesos. Hindi na masama. Hanap agad ako ng kulay itim dahil mahilig nga ako sa black di ba. May nakita akong isa. Ayos! Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang isang scarf. Tamang-tama. Terno sa binili kong shirt. May binili pa akong keychain kung saan binili ko ang apat na letra ng aking palayaw.
Dahil medyo napagod kakaikot, dirty ice cream muna. Strawberry ice cream! Sobrang tamis neto. P20 kada isa.
Isaiah picking up some strawberries.
…
Second stop.Ā Wright Park.
Ito ang Pool of Pines. Katapat lang ito ng The Mansion. May habang 100 kilometro at may mga pines sa magkabilang bahagi nito. Self-explanatory di ba? Hindi ko lang ma-gets kung bakit orange yung kulay ng tubig. Sinadya ba yun na gawin kulay orange? Akala ko nung una, ihi eh. Hahaha.
Strawberry taho. P20 pesos lang. Pwede ka mamili kung yung regular na taho ba o strawberry taho, pero siyempre piliin mo na yung bago. Minsanan lang eh. Masarap naman siya.
Nagsimula nang umambon kaya kanya-kanya kaming balik sa sasakyan. Sa loob na lang ng kotse ko nagawang picturan ang The Mansion, ang opisyal na tahanan ng Presidente ng Pilipinas.
…
Third stop. Mines View Park.
Isang makapigil-hiningang tanawin ng mga bundok na nakapalibot sa dating minahan ng tanso at ginto ng mga sinaunang katutubo.
Maaaring magpakuha sa Mines View Park ng litrato kasama ang St. Bernard na ito sa halagang P20 lang. Nakalimutan ko ang pangalan ng asong ito, pasensya na.
O kaya ay magpakuha ng litrato habang nakasakay sa kabayong ito. Kabayo na may pink na buhok. P10 kada shot. Akala ko yung buong pagsakay nung bata, P10 lang. Kada shot pala. Kumikitang kabuhayan. Nakakatawa lang, as if naman mamomonitor ng nagbabantay kung ilang beses ko kinuhaan si Isaiah. š
Hindi kumpleto ang pagpunta mo sa Mines View Park kung hindi ka nakapagpicture suot ang katutubong kasuotan ng mga Ifugao. Madali lang silang makita. May mga katutubong Ifugao na nagpapahiram ng kanilang kasuotan sa halagang P20 lang. Unlimited ang pagkuha ng litrato. Magpicture ka hangga’t gusto mo. Magsawa ka.
…
Fourth stop. Horseback riding, Wright Park
Bumalik ulit kami sa Wright Park para makapaghorseback riding. P200 pag half hour tapos P300 pag isang oras. Ako ang unang sumakay sa aming lahat. Medyo kabado ako kasi ang laki ng kabayong sinakyan ko pero sabi nung nag-aaalaga mabait naman daw. Sinabihan ko yung nag-aalaga na kung maaari sana ay huwag niya akong iwan kasi hindi ko alam gagawin ko. Subukan ko daw nang ako lang mag-isa pero sabi ko, di bale na lang. Sa unang ikot, nakahawak lang siya sa tali ng kabayo pero nung pangalawang ikot, gusto ko nang subukan nang ako lang pero hindi ko sinabing iwanan niya ako. Anak ng. šÆ šÆ šÆ Napamura talaga ako kasi biglang nawala yung nag-aalaga nung kabayo. Putangina. Di bale, natatandaan ko naman sinabi eh. Kapag gusto ko pumunta yung kabayo sa kanan, ipinid ko yung talo pa-kanan tapos pag gusto ko ikaliwa, ipinid naman pa-kaliwa. Pag gusto ko patigilin, itaas ko lang konti yung tali. Gusto ko nang bumaba kaso ang taas ko. Mapipilay ako nito. Wala akong choice kundi magpatuloy. Ang daming bully sa park bwisit. Ang bibilis magpatakbo. Pasiklab. Nararamdaman kong natataranta yung kabayo ko kaya pati ako, natataranta na rin. Bawal pala mabangga yung kabayo kasi baka magwala kaya ang ginawa ko, dahan-dahan lang kami. Talsik ako nito pag biglang nagwala itong kabayo. Patigil-tigil lang kami. Lakad onti tapos tigil. Ganun lang nang ganun. Nang malapit na kami sa kabilang dulo, natatanaw ko na yung nag-aalaga sa kabayo na sinakyan ko. Gusto ko siyang suntukin kaso imbes na maasar ako, natawa na lang din ako. šæ Dalawang salita para sa horseback riding experience ko: Buwis-buhay. š
Nanginginig pa rin ako sa takot pagbaba pero hindi ako nagpahalata. Putangina, kinabahan ako dun ha. š„ Ano pa ba pwedeng puntahan dito sa Wright Park? May natanaw ako na mataas na hagdanan kaya niyaya ko yung isang pamangkin ko na samahan ako akyatin yun. Nakakapagod pala umakyat, mukha lang madali pero nakakahingal grabe. Sa bandang taas pala ngĀ hagdanan iyon ay matatanaw angĀ The Mansion. Eh dun lang kami galing kanina eh. Baba na ulit kami. Hindi na masyadong nakakapagod pero madulas kaya kailangan mag-ingat pagbaba, umambon kasi. Binilang ko yung kung ilang steps, nasa 150+ na ako pero nawala na rin ako sa bilang di kalaunan.
…
Bago umuwi, kumain muna kami sa Barrio Fiesta. Tapat lang ng SM Baguio.
Pagdating sa bahay, kanya-kanyang tulog na. Kakapagod pero enjoy. Lol. š
…
Day 3
Hay nakakalungkot naman. Babalik na kami sa Manila. Pero ganun talaga. Pwede pa namang bumalik sa susunod eh.
Halos mag-aalatres na rin kami umalis mula sa tinuluyan namin. Pinatila muna namin ang ulan. Nagdasal muna kami bago bumiyahe para humingi ng gabay at para na rin sa isang ligtas na paglalakbay pauwi.Ā Habang nasa biyahe, aakalain mong gabi na dahil napakadilim na ng daanan. Mapapansin na madaming hamog na rin ang namumuo sa mga bundok at bumabalot sa buong siyudad. Ganito yata talaga dahil nasa mataas na lugar kami.
Maingat ang bawat isa sa pagmamaneho. Nasa bente o trenta lang yata ang pagtakbo namin. Hindi naman siya nakakatakot kung tutuusin. Exciting siya para sa akin. Hindi kalaunan ay napansin namin ang ilang nagkalat na tipak ng bato sa daanan. Hindi naman sila ganoong kalakihan. Nagmula daw ito sa mga iilang malalaking bato na nasa bandang itaas ng bundok na maaaring mahulog anumang oras lalo na kapag umuulan kaya ibayong pag-iingat ang kinakailangan.
Paalam Baguio! Hanggang sa muli!
…
PasadoĀ ala-una na ng madaling arawĀ na ng LunesĀ kami nakarating ng Manila. Halos sampung oras din ang biyahe namin pauwi. Sumakit ang puwet ko sa tagal ng biyahe pero okay lang, sobrang nag-enjoy naman ako. Nagsasabay din kasi ang pagluwas pabalik ng Manila ng mga nagsipaguwian at nagbakasyon sa kani-kanilang probinsya. Hay salamat at nakauwi kami ng matiwasay. Salamat Bro sa iyong gabay at patnubay sa amin. Salamat Bro sa mga panibagong alaala na dadalhin ko habang buhay. Lakas ko talaga sayo! š
One down on my bucket list!