#MOMOL

11:19 AM, Friday

24467054

Ano ba yang MOMOL na yan? Palagi ko siyang naririnig pero hindi ko alam ibig sabihin nun. May commercial pa nga ng pang-ahit na nagsasabi kung paano maging MOMOL-ready ang isang lalaki eh.

Open Google. Type “What does MOMOL means?”

Basa-basa. Boom! Huli ka balbon!

Eto ang nangyari sa aking pagsasaliksik. 😆

Ayon kay Sam YG, MOMOL means “Make Out, Make Out Lang”. Yun pala yun. Ibig sabihin, hindi kayo pero hindi rin naman hindi kayo. Gets? Make out, make out lang. Walang exclusivity. No feelings involved. Tamang landian lang. Landian na wala lang. Sweet-sweetan na wala lang. Yes may konting kiss, konting lambingan, konting french pero wala lang yun. Tapos!

Dagdag pa niya, MOMOL is a non-relationship type of term. It is an activity. Going straight to the point, MOMOL does not equate to love. Isa daw itong one step lower the usual panliligaw. Takot daw kasi ang mga Pilipino ma-reject kaya kung mabasted man siya, hindi ganun kasakit kasi nga make out, make out lang. Playing safe lang.

Pero hindi pa dyan natatapos ang lahat dahil may variations pa pala ang MOMOL. Lupet! Tinatawag silang MOMOX at MOMOWL.

MOMOXMake Out, Make Out Extreme

Level-up na MOMOL. Ito yung MOMOL na hindi na nakukuntento sa simpleng kiss at simpleng yakapan lang. MOMOL na hindi na nasisiyahan sa pa-tweetums na da moves. Nag-uumpisa na lumikot ang kamay ng ka-MOMOL mo. Oops! Haplos dito, haplos dyan. Tambay dito, tambay dyan. 😀 Eto yung point na you make himas-himas na sa private body parts ng ka-MOMOL mo. May pilitan pang nagaganap paminsan-minsan. Hardcore na kumbaga. Syempre alam na this! Tapos pag hindi napagbigyan, POOF! MIA na si ka-MOMOL. Hindi na nagrereply sa mga text mo. Hindi na sinasagot mga tawag mo. At naiwan kang wasak. 😦

MOMOWL Make Out, Make Out With Love

Hindi naman lahat ng MOMOL eh nauuwi sa bad ending. Siyempre yung iba, happy ending din. Dito na pumapasok ang puso. Nag-iiba talaga ang labanan kapag may pusong involved na. Sabi ni Sam YG, para lang tong kanta ni Donna Cruz eh. “Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito“. Eto yung point na gagraduate na kayo sa normal na pagiging MOMOL at ready na kayo pumasok ng ka-MOMOL mo sa isang seryosong relasyon. Yung magiging official na kayong dalawa. Eh kung gusto niya naman yung isa’t isa eh ano pa hinihintay nyo di ba?

Para sa inyo na may balak na pumasok sa isang MOMOL dating, kailangang tandaan ang five basic rules.

1. MOMOL is not love.

Okay, first things first. Hindi pagmamahal ang MOMOL. Period. Dahil ang totoong pagmamahal ay hindi takot sa commitment. Huwag masyadong papadala sa sweetness na pinapakita ng ka-MOMOL mo. Bago mag-assume ng kung anu-ano, mag-isip isip muna para hindi mapahiya after.

2. Pigilin maglakbay ang kamay.

Kahit pa sabihin MOMOL lang ang namamagitan sayo eh matuto pa ring mag self-control. Konting respeto naman. Pigilan ang sarili hawakan ang kung ano-ano na hindi naman dapat hinahawakan nang basta-basta lang. Kung hindi mo mapigilan, matuto kang magpaalam nang maayos.

3. Mag-ingat sa kilig factor.

Ayan, ayan. Dahil sa kilig kilig na yan kaya nagiging kumplikado ang mga bagay-bagay. Keso may sinasabi ka pa nung una na no feelings involved tapos kalaunan, nahuhulog ka na sa ka-MOMOL mo oh. Oo ikaw iba na ang feelings mo sa ka-MOMOL eh ang tanong, ganun din kaya siya sayo? Lakas loob mo pumasok sa ganyan tapos magagalit ka after. Naku, magisip-isip ka muna bago mafall sa ka-MOMOL mo. Akala mo sweet sayo, akala mo kung sinong thoughtful pero yun pala, sweet pala siya sa lahat. Oh eto malaking sampal para sayo. Nakakabaliw yan promise.

4. Don’t kiss and tell.

May mga bagay na “private” at mas mabuting sinasarili na lang. Asar na asar ako sa mga taong kiss and tell. Ewan ko ba kung bakit may mga taong makakati ang dila at hilig na hilig na magkwento kung anu-ano ang ginawa nila ng ka-MOMOL niya. At putangina, detalyado pa! Aba’y putangina ulit hahaha. Hindi dapat ganon. Yung mga ganyang bagay, hindi na binobroadcast sa buong mundo. Mahiya ka naman hoy!

5. Kung gusto ang isa’t isa, magpakatotoo ka!

Eh kung sigurado ka naman sa nararamdaman mo sa ka-MOMOL at kampante ka naman na ganun din ang nararamdaman niya sayo e ano pa hinihintay nyo? Eh di kayo na. Sige ka. Mamaya sa pagiging torpe mo, makuha pa ng iba yan. Nasa iyo na, pinakawalan mo pa.

Pero maliban pala sa MOMOL, eh may COCOL at HOHOL pa pala! Grabe.

COCOL – Coffee, Coffee Lang

Tamang chill lang. Usap over coffee. Konting getting to know each other habang humihigop ng kape. Dinescribe ni Sam YG ang COCOL as a “safe play”. Date na walang awkwardness, nothing but coffee break lang. Yung tipong magkita man kayo sa bar, eh ano naman? Nag-coffee lang naman kayo. What’s so special about that?

HOHOL – Hang Out, Hang Out Lang

Dito nagsisimula ang lahat bago pa man ang MOMOL stage. Let’s say may nakilala ka sa bar or somewhere tapos trip mo siya, siyempre show da moves para makuha number then kapag okay naman ang dating sa dinidiskartehan mo eh di everybody happy. Dito na nagsisimula yung palabas-labas, nood sine, magyaya kumain tapos masusundan ulit sa ibang araw hanggang sa isa pa ulit hanggang sa mapunta na sa MOMOL stage. Katulad sa MOMOL, wala ring exclusivity dito. Simpleng salita, walang commitment. Open ka sa kahit anong dumating. Pwede mo gawin ano man ang gusto mo dahil walang nagbabawal sayo. You have all the time in the world para makipagkilala kahit kanino na trip mo.

Ayan! Ngayon alam na natin kung ano ang MOMOL, nasa inyo naman yan kung anong tipo ng relasyon ang papasukin nyo eh. Buhay nyo naman yan at malalaki na kayo. Pero palaging tandaan na hindi kailanman naging makatwiran ang mangloko lalo na’t nasa isang relasyon ka. Huwag na huwag manakit ng damdamin ng iba. Don’t take anyone for granted. Ikaw din. Baka makarma ka sa ginagawa mo.

Hanggang dito na lang. Happy MOMOL dating! 😀

2 thoughts on “#MOMOL

  1. Kat Buendia says:

    Jusko.. Ang tagal na pala nitong entry na ito pero feeling ko parang kahapon mo lang sinulat.. Lololol! Salamat, pre.. Pag Google Search ko “ano meaning ng momol” ito agad unang lumabas.. Click naman ako agad.. Tinde.. Haha! Tawang tawa ako..

  2. […] Dito nagsisimula ang lahat bago pa man ang MOMOL stage. Let’s say may nakilala ka sa bar or somewhere tapos trip mo siya, siyempre show da moves para makuha number then kapag okay naman ang dating sa dinidiskartehan mo eh di everybody happy. Dito na nagsisimula yung palabas-labas, nood sine, magyaya kumain tapos masusundan ulit sa ibang araw hanggang sa isa pa ulit hanggang sa mapunta na sa MOMOL stage. […]

Leave a comment